Villa Principe

Noong unang panahon, ang Barangay Banot ay may dalawang Sitio. Ito ay ang Ilayang Banot at Ibabang Banot. Sapagkat ang nasabing barrio ay malaki kaya ito ay nahati-hati sa iba’t-ibang barangay.

Ang Ilayang Banot ay nagkaroon ng anak na ito ay ang Brgy. Villa Principe, Villa Perez, Laguna at ang Ibabang Banot, ang Brgy. Gitnang Barrio, Pansabangan at iba pa.

Bago Mag-Marcial Law taong 1972-1979 sa pamumuno ni Mayor Teodosio Principe at sa pamumuno ni Brgy. Captain Julio Odona, ang Ilayang Banot ay nagkaroon ng isang resolusyon upang ito ay baguhin ang pangalan.

Sapagkat ayon sa naninirahan dito, kaya ito ay ninais na baguhin ang pangalan sapagkat marami ang natatawa sa salitang Banot para daw ang ibig sabihin ay bano ang mga tao. Kaya ang mga Sangguniang Barangay at Sangguniang Bayan ay gumawa ng kapasyahan na baguhin ang pangalan at ito ay isinunod sa pangalan ng namatay na si Mayor Marciano Principe bilang parangal sa yumaong Punong Bayan at ito ay napagtibay, kaya ito sa kasalukuyan ay tinatawag na Brgy. Villa Principe.

Ito ay may lawak na 297 hectares at noon ito ay may mahigit lang sa sampu ang pamilyang naninirahan dito. Ngayon ay malaki na ang populasyon. Ito ay may mahigit walong kilometro mula kabayanan. Ang pangunahing pinagkakakitaan dito ay niyog at anahaw, pagtatanim ng saging, kamoteng kahoy at iba pang mga gulayin, pag-aalaga ng baboy at manok.

Sa ngayon ang naninirahan dito ay may isang daang pamilya na mayroon ng ilaw na de kuryente, may Brgy. Hall, may Chapel, Health Center, Day Care, may feeder Road patungong San Isidro Silangan at San Isidro Kanluran. Mayroong pinagkukunan ng tubig na inumin subalit hindi pa sapat para sa pangangailangan ng mga residente. Ang kapistahan ay June 27.

Government Links

Contact Us

  • unitLocal Government of Gumaca
  • phone(042) 317-6335 | (042) 317-7591 (8:00 - 17:00)
  • maillgugumaca@ymail.com
  • map J.P. Rizal St., Brgy. Pipisik, Gumaca, Quezon (4307)

Follow Us