Mabini

Ang Barangay Mabini ay matatagpuan sa dakong Timog ng kabayanan ng Gumaca. Ito ay may sukat ng lupa na limangpung (50) ektarya kuwadrado.

Ayon sa mga matatandang nanirahan dito, ang Mabini ay isang bahagi o Sitio ng Progreso sa tinawag na Purok Pag-asa. Ito ay hindi pa nasasakop ng Poblacion. Ang mga bahay ay iilan pa at ang kalsada ay lubak lubak.

Sa pagitan ng 1950-1960, ang Poblacion ay hinati sa mga purok at ang Mabini ay tinawag na Tejero at ang bawat purok ay nagkaroon ng mga taga-Pangulo. Gayundin, binuo ang samahan ng mga kabataan. Ang Tejero ay isinama sa poblacion. Sa paglipas ng mga taon at sa pagpapalit ng mga namumuno, ang Tejero ang ginawang Barangay Mabini sa karangalan ng bayaning si Apolinario Mabini at ang pagdiriwang ng kapistahan ay ginaganap tuwing ika-22 ng Hulyo.

Noong taong 1984, sa panahon ni Barangay Chairman Dr. Luther Baldeo, binago ng Sangguniang Barangay ang pagdiriwang ng kapistahan ng barangay.  Ito ay ginaganap tuwing ika-15 ng Enero sa karangalan ng patron ni Sto. Niño.  Sa panahon ding ito binuo ang mga “Comite de Fistejos” at hanggang sa kasalukuyan ito ay masiglang ipinagdiriwang.

Government Links

Contact Us

  • unitLocal Government of Gumaca
  • phone(042) 317-6335 | (042) 317-7591 (8:00 - 17:00)
  • maillgugumaca@ymail.com
  • map J.P. Rizal St., Brgy. Pipisik, Gumaca, Quezon (4307)

Follow Us