Peñafrancia

Sinasabi noong unang panahon na ang lugar na ito ay walang pangalan. Kung tawagin ito ng maraming mamamayan ay Labas, sa dahilang ito ay nasa labas ng bayan. Hindi ito sakop ng Poblacion. Ito ay natatayo sa kabila ng Ilog Pipisik at ang tulay ang nagsisilbing daanan ng mga tao patungo sa bayan. Sinasabi rin na masigla ang paghahanap-buhay ng mga tao dahilan sa masaganang ani ng niyog sa lalawigan ng Quezon. Ang mga mangangalakal ng kopra sa ibayong dagat sa mga bayan ng Quezon at Alabat ay sa lugar na ito nagdadala ng kanilang produktong kopra at ang lugar na ito ang nagiging sentro ng pamilihan ng nabanggit na produkto. Maganda ang takbo ng hanap buhay dito ng mga tao lalo na ang mga manggagawa na kung tawagin ay hornal, sa dahilang ang kopra ay dinadala sa ibang bansa at ibinabalik sa ating bansa sa anyong langis o mantika at dito dumadaan sa lugar na ito.

Isang Bicolano na kilala sa pangalang Potenciano Cias o Poten galing sa Bayan ng Magarao, Naga City, ang kanyang hanapbuhay ay pagpasan ng kopra at magsako nito, nagkaasawa ng isang taga-Alabat, Quezon, kilala sa pangalang Ciriaca Sigue Nora ang sinasabing rito ng Imahen ng Mahal na Berhin ng Peñafrancia. Sinasabing umuwi sa Bicol ang nabanggit na G. Potenciano Cias, sakay ng tren na ginagatungan ng uling na kahoy, na noong unang panahong yon ay napakadalang na ng sasakyan. Hindi nagtagal ay bumalik siya dito sa Gumaca kasama ang anim pang mga Bicolano na kinabibilangan nina Agapito Espalmado, Bravante, Bellesa at tatlong iba pa na hindi na matandaan ang pangalan. Sila ay dumating dito sa Gumaca lulan sa Parao o bangkang de-layag dala nila ang Imahen ng Mahal na Birheng Peñafrancia. Sapagkat sa lugar na ito ay napakarami ng naninirahan ay mga Bicolano ay binuo nila ang samahan ng mga Bicolano. Sinimulan nilang ipagdiwang ang kapistahan ng Mahal na Berhing ng Peñafrancia, isinakay ang Imahen sa Bangka at ipinagprosisyon sa dagat.

Sinasabing naging masigla ang binuong samahan ng mga Bicolano at pinamunuan ito hindi lamang ng mga Bicolano tulad nina Arcaya, Adad, Basinal at marami pang iba. Naging mabilis ang pag-unlad ng lugar na ito hanggang sa tawagin itong Purok Peñafrancia. Nagkaroon dito ng terminal ng bus, SBTO of Eastern Bus Company, Tanggapan ng Public Highway, Bodega ng Beer at Coke at dalawang salonan na siyang naging dahilan upang higit na makilala ang lugar na ito. Sa pagkakilala bilang Purok Peñafrancia, ito ay pinamunuan nina G. Parafina, G. Espalmado, Macario Cias Sr., Bravante, Basinal at iba pa bilang sila ang mga naging pangulo. Noong taong 1974 sa bisa ng Batas Pampanguluhan Blg. 557, katulad ng lahat ng nayon o baryo sa buong kapuluan at tinawag na barangay at ang dating Purok Peñafrancia ay kinilala bilang Barangay Peñafrancia at ang mga namuno bilang mga Punong Barangay ay sina G. Restituto Marco, G. Sofronio Aguila, Gng. Carmelita Collo, G. Rodrigo Cias, at G. Leopoldo Cias na naglilingkod hanggang sa kasalukuyan.

Noong ika-26 ng Setyembre 1999 ay ipinagdiwang ang ika-75 taong kapistahan ng Mahal na Birhen Peñafrancia na siyang kinilalang Patron ng Barangay.

Government Links

Contact Us

  • unitLocal Government of Gumaca
  • phone(042) 317-6335 | (042) 317-7591 (8:00 - 17:00)
  • maillgugumaca@ymail.com
  • map J.P. Rizal St., Brgy. Pipisik, Gumaca, Quezon (4307)

Follow Us