Pipisik

Ang Barangay Pipisik ay hango sa mga nakatanim na bakawan sa tabi ng ilog na ito at tinatawag na “PIPISIK MANGROVE” (bakawan). Noong unang araw, ang Barangay na ito ay nahahati sa apat na purok.

Ang Purok San Roque, pinakamalaking bahagi sa lahat ay nasa dakong Kanluran ng Purok San Diego na nasa dakong Silangan naman. Ang Purok Maria Clara naman ay nasa dakong timog. At Purok San Juan ay dakong Hilaga.

Nasimulang mabigyan ng pangalan ang Barangay na ito na binubuo ng apat na purok noong panahon na ang naunungkulan Barangay Captain dito ay ang dating yumaong Gregorio Baldeo. Ang sumunod na nanungkulan bilang Punong barangay ay si Architect Luis Nava. Nagkaroon ng tunay na halalan at sa pagkakataong ito, ang nanalong Punong Barangay ay ang namayapang retired Col. Fruto T. Olivera, ngunit sa kasamaang palad ay hindi nakapanungkulan dahil sa pulitika. Itinalaga ni Mayor Robert Yap-Diangco si G. Cirilo Tañada bilang Punong Barangay. Dahil siya ang unang Kagawad ngunit ilang buwan lang niyang hinawakan ang posisyong ito dahil itinalaga siyang Punong Bayan bilang OIC kung kaya’t ang Kagawad na sumunod sa kanya na si Roberto V. Nava ang tumayong Punong Barangay ng Panahong iyon. Nagkaroon ng adhikain si Kapitan Nava na kumandidato bilang konsehal ng bayan kung kayat hiniling niya sa kanyang kasamahan sa Sanguniang Barangay na magkaroon ng eleksiyon. Sa pagkakataong nanalo ang ikatlong Kgd. Zaida A. Urlanda bilang Punong Barangay noong 1987. Nagkaroon ng halalan noong 1989, ito ay sa pataasan naman ng makukuhang boto at si Kgd. Aida pa rin ang nanalo bilang Punong Barangay. Kung kaya’t nanungkulan siya bilang Kapitan mula noong 1989-1994. Ang sumunod naging Punong Barangay ay si Cipriano Tañada mula 1994-1997.

Nagkaroon ng halalan noong 1997 at ang nahalal na Punong Barangay ay si Zaida Urlanda hanggang 2000, hindi niya natapos ang kanyang termino sapagkat siya ay binawian ng buhay sa taong iyon. Ang sumunod na naging kapitan ay si G. Ruben A. Anacion Jr. na siyang unang naging Kagawad. Siya ay nanungkulan hanggang 2002. Si G. Roberto V. Nava ang sumunod na Punong Barangay.

Mapalad ang Barangay Pipisik sapagkat marami sa mga naging Punong Bayan ng Gumaca ay nagsimula rito. Mga naging Punong Bayan gaya nina Tomas Tañada Sr. (1909-1912) Aurelio Nava (1912-1916), Pamfilo Tañada (1919-1923), Tomas Tañada Jr. (1964-1967), Cirilo Tañada (1986-1995), at Juanito Bañal (1995-2007).

Ang naging 1st Lady Superintendent ay si Gng. Lourdes N. Veluz na nakatira sa barangay Pipisik na naging Kagawad din ng Bayan ng Gumaca. May mga naging Pari din na nagmula sa Barangay Pipisik na si Msgr. Generos Marasigan, Msgr. Na si Msgr. Enrique Luna Jr. at si Fr. Ramon Uriarte.

Masasabi na mapalad ang Barangay na ito, sapagkat simula pa lamang sa mga naging Punong barangay sa anumang paligsahan taun-taon ay palaging nangunguna maging sa mga palaro sa Basketball, volleyball, pagandahan ng Baluarte tuwing buwan ng Mayo at sa mga paligsahan sa Beautification and cleanliness at sa mga paghirang ng Binibini at Ginang Gumaca. Ang naging kauna-unahang Bb. Gumaca ay si Honeylee S. Tañada; pangalawa si Gng. Marigold Clomera; at bilang G. Gumaca ay si Melinda Cabangon.

Ang gusali ng Pamahalaang Bayan ay nasasakupan ng ating Brgy. Pipisik na tulad din ng Bureau of Fire Protection, BIR, SSS at iba pang ahensya ng Gobyerno.

Ang Land area ng Brgy. Pipisik ay 4.5 hectarya.


Government Links

Contact Us

  • unitLocal Government of Gumaca
  • phone(042) 317-6335 | (042) 317-7591 (8:00 - 17:00)
  • maillgugumaca@ymail.com
  • map J.P. Rizal St., Brgy. Pipisik, Gumaca, Quezon (4307)

Follow Us