Panikihan

Noong unang panahon ang Barangay Panikihan ay hindi naiiba sa ibang lugar dito sa Bayan ng Gumaca na kung saan ay may nagaganap ding labanan ng mga Pilipino at mga Kastila.

Isang araw, may isang opisyal na Kastila na namasyal sa lugar na ito at palibhasa’y mga magbubukid ang karamihang naninirahan ay isa sa mga ito ang napagtanungan ng nabanggit na opisyal kung anong pangalan at lugar iyon. Sapagka’t papalubog na noon ang araw at maraming panggabing ibon ang nag-uumpisang nagliliparan. Tinanong muli ng opisyal kung anong lugar iyon sabay turo. Akala ng magsasaka ay ang tinatanong kung anong mga ibon iyon sapagkat hindi niya gaanong naiintindihan ang salitang kastila kaya’t sinagot siya ng “panique”. At dahil sa ang magsasaka ay nag-aararo ang kanyang kalabaw ay nag-umpisang lumakad at pilit itong pinatigil ng magsasaka na ang sabi “han” o tahan. Habang ang opisyal ng kastila ay umalis ay binibigkas pa ang salitang “Paniki-han” na sa isip niya ay iyon ang pangalan ng lugar. Kaya mula noon ito ay pinangalanang “paniquihan” ayon sa pagkakabaybay sa wikang kastila. Subalit ayon sa panahon, ito ay napalitan ng “Panikihan” na mas madaling isulat at baybayin ng mga Pilipino.

Mula noong panahon ng Kastila ay marami pang sumakop sa atin at marami ring pagbabago ang naganap sa Panikihan at ang hindi nawawalang pamana ng mga kastila ay ang pagkakaroon ng mga kapistahan na nagpaparangal sa mga santo o santa at isa na rito ay ang Pista ng Patron San Pedro at San Pablo na siya ring Pista ng Brgy. Panikihan na ginaganap tuwing ika-29 ng Hunyo bawat taon.

Government Links

Contact Us

  • unitLocal Government of Gumaca
  • phone(042) 317-6335 | (042) 317-7591 (8:00 - 17:00)
  • maillgugumaca@ymail.com
  • map J.P. Rizal St., Brgy. Pipisik, Gumaca, Quezon (4307)

Follow Us