Villa Bota


Ayon sa mga matatandang propetaryo dito sa barangay, ang pangalan ng Barangay Villa Bota ay hinango sa mag-asawang nakatira dito noon pang panahon ng kastila. Ayon sa kanilang salaysay noong unang panahon ay may isang kastilang lalaki ang nag-asawa ng isang Pilipina na ang pangalan ay Belia. Mahilig magsuot ng sapatos na Bota ang asawa ni Belia kung kaya’t sa tuwina ay palaging naririnig sa kanya ng kanilang kapitbahay ang pasigaw na salitang “BELLA ANG AKING BOTA” mga katagang tumanin sa isipan ng magkakapitbahay, kung kaya’t napagkaisahan nila na ihango sa pangalan ni Belia at sa Bota ang pangalan ng kanilang lugar, na ito ay tinawag nilang Villa Bota, na magpahanggang sa ngayon ay taglay ng Barangay Villa Bota ang pangalang ito. Hindi pa naman sumisiklab ang Ikalawang Digmaan o ang panahon ng hapon ay kilala na bilang isang Barangay ng Gumaca ang Barangay Villa Bota.

Noong 1934 ay nahalal ni Tenyente del Barrio si G. ANDRES CANTOLLAS, sumunod ay si G. PRIMITIVO ASGRA. Nang dumating ang mga Hapon ay nahalal at nanungkulan bilang Tenyente del Barrio si G. ESTEBAN DELANTAR. Nagtago sa mga Hapon ang mamamayan, kung kaya’t ang Bahay Nayon noon ay itinayo sa dakong Ilaya ng Villa Bota. Sa pangunguna ni Tenyente Delantar at sa pagtutulungan ng mga mamamayan ay naitayo ang nabanggit na Bahay Nayon sa lupa ni Tacio Villafuerte.

Matapos ang termino ni Tenyente Delantar, ay nahalal at nanungkulan si G. MANUEL RELIGADO, na sinundan nina G. TIAGO DECENA at G. FRANCISCO DEQUILLA.

Matapos ang digmaan, nahalal at nanungkulan naman sina JAIME LEDDA, TEODORO BOLO, at G. LUCAS PARIL at sa kanyang administrasyon ibinaba na sa Tabing Dagat ng Villa Bota ang Bahay Nayon, at sa pagtutulong tulong ng mga mamamayan ng Barangay sa kanyang pamumuno ay naitayo ang Bahay Nayon sa lupa ni Intang Morales, at ito ang naging sentro ng Barangay Villa Bota. Matapos ang dalawang termino ni Kapitan Lucas ay nahalal at nanungkulang bilang mga Tenyente Del Barrio sina SILVERIO ICAL, NEMESIO BELANGEL, CRISPIN CANANGA at ALFREDO MENDOZA kilala sa pangalang Ka Pidong dahilan sa pagtaas ng tubig sa baybayin ng Villa Bota kung kaya’t sa pangunguna ni Ka Pidong at sa pagtutulungan ng mga magkaka-barangay ay nailipat at naitayo ito sa mataas na lugar sa lupa nina G. at Gng. Ramon Hong. Taong 1962-1968 ay nahalal at nanungkulan bilang Punong Barangay at kapitan si EMILIO CAPARROS. 1968-1971 ay nahalal at nanungkulan bilang Punong Barangay ng Villa Bota at si NATIVIDAD BASCO, ang kauna-unahang babae na naging Punong Barangay dito sa Villa Bota, kasama niyang nahalal at nanungkulang sina Kagawad Daniel Bibandor, Segundo Franco, Felix Leron, Porferio Dano, Miguel Catulong at Nemisio Belangil at itinalagang kalihim ng Barangay si Gng. Milagros Bibandor at Gng. Elena Dapito naman ang itinalagang Ingat-Yaman ng barangay. Pangunahing proyekto ng administrasyon ni Kapitan Basco ang pagpapagawa ng Center at tangke ng tubig dito sa Bahay-Nayon.

Noong 1971-1982 ay nahalal bilang Punong Barangay si Kapitan Proferio Contrata. Siya ang kauna-unahang Kapitan na may pinakamahabang panunungkulan kasama sina Kagawad Daniel Bibandor, Segundo Franco, Forperio Dano, Timoteo Dapito, Martin Banas at Siony Barretto. Itinalagang kalihim naman si Natividad Basco at si Alfredo Buenaobra naman ang itinalagang Ingat-Yaman. Pangunahing proyekto ng administrasyon ni Kapitan Contrata ang pagpapaayos ng Bahay Nayon at tangke ng tubig.

Noong1982-1986 ay nahalal at nanungkulan bilang Punong Barangay si Kapitan Celerino Nanez, kasama niyang nanungkulan sina Kagawad Leonilo Paril, Reynaldo Barretto, Efren Requinto, Romeo Garlan at Felix Leron. Itinalagang kalihim naman si Gng. Victoria Gilla Co, at si Daniel Bibandor naman ang itinalagang Ingat-Yaman. Si Kapitan Nañez ay naging ABC President.

Noong 1987-1989 ay umupong Acting Barangay Chairman si Kapitan LEONILO L. PARIL, sa maikling taon ng kanyang panunungkulan ay naitayo sa pagtutulong-tulong ng mga mamamayan ng Barangay ang Center dito sa Centro ng Villa Bota.

Noong 1989-1994 ay nahalal at nanungkulan muli si Kapitan Proferio Contrata. Kasama niyang nahalal ang mga kagawad na sina Kagawad Cipriano Barretto, Roman Garlan, Reynaldo Barretto, Nilo Ellana, Edgardo Buenaobra, Dario Estamio at Venus Moises bilang Punong Kabataan. Itinalagang kalihim si Marjorie Chavez at si Marilou Panaglima naman ang itinalagang Ingat-Yaman. Naging pangunahing proyekto ng administrasyon ni Kapitan Contrata ang pagpapagawa ng DayCare Center, Pathway at pagpapaayos ng Bahay Nayon.

Noong 1994-1997 ay nahalal naman si Kapitan LEANDRO SARMIENTO. Kasama niyang nahalal sina Kagawad Leonila Pulay, Leopoldo Cal, Mauro Daya, Nilo Ellana, Edgardo Buenaobra, Romeo Garlan, Lumaen Gavez at Eduardo Nocus ang Punong Kabataan. Itinalagang kalihim naman si Rose Chavez, Estelita Guerrero, Aldine Artiaga at si Arsenia Dino ang itinalagang Ingat-Yaman. Pangunahing proyekto ng administrasyon ni Kapitan Sarmiento ang pagpapagawa ng Spring Development, mga pathway, waiting shed, Barangay Tanod at pagpapaayos ng Bahay Nayon.

Noong 1997, ay nahalal naman si Kapitan LEONILO L. PARIL. Kasama niyang nahalal sina Kagawad Leonila Pulay, Donaldo Corong, Leopoldo Cal, Oscar Quilinga, Cipriano Barretto, Leonita Sta. Cruz, Dario Estamio at Eduardino Nocus bilang Punong Kabataan. Itinalagang kalihim naman si Joselito M. Barretto at si Arsenia Dino ang itinalagang Ingat-Yaman ng Barangay.


Government Links

Contact Us

  • unitLocal Government of Gumaca
  • phone(042) 317-6335 | (042) 317-7591 (8:00 - 17:00)
  • maillgugumaca@ymail.com
  • map J.P. Rizal St., Brgy. Pipisik, Gumaca, Quezon (4307)

Follow Us