Villa Nava

Isang makasaysayang pook sa Kanlurang bahagi ng Barangay Buensoceso na sa pagpupunyagi ng yumaong dating Kapitan Leon Decena na nagsikap humiwalay at tumayo sa sariling paa upang maging isang ganap na barangay.

Taong 1965 ng magpasa ng isang kapasiyahan ang noo’y kagawad ng Barangay Buensuceso na si G. Leon Decena upang maihiwalay ang kanlurang bahagi ng nasabing barangay. Ang Sitio Pulang Lupa at Sitio Gurong-gurong na sa tulong ng yumanong G. Felimon Nava at ng Sangguniang Bayan ay nagkaroon ng katuparan ang kanyang minimithi at sa laki ng utang na loob sa yumaong Felimon Nava ay sinusog niya ang pangalan ng nasabing lugar. Taong 1968 ng mapagtibay/pagtibayin ang Barangay Villa Nava upang maging ganap na barangay at sa taon ding iyon nagkaroon ng kauna-unahang halalang pambarangay. At si G. Leon Decena ang kauna-unahang kapitan ng Barangay Villa Nava.

Barangay Villa Nava, Pook ng Pangako at puno ng pag-asa. Pook na pinili ng Bayan ng Gumaca upang pagtayuan ng iba’t ibang tanggapan ng pampublikong ahensya.

Ang Barangay Villa Nava ay binubuo ng anim (6) na sitio: Villa Nenita, Daang Bakal, Bagong Buhay, Bagong Silang, Tabing-Ilog at Gurong-gurong na may kabuuang 2,833 bilang ng mamamayan roon.

Isa sa mga pangunahing produktong pinagkakakitaan ay ang kopra, gulay, prutas, paggawa ng iba’t ibang kakanin tulad ng lumpiang ubod, lumpiang sariwa, cake for all occasions, cassava roll, banana cake and catering services. Marami rin ang mamamayan ng Barangay Villa Nava ang masasabing skilled workers tulad ng tubero, karpentero, panday at iba pa.

Hulyo 1994 sa pamumuno ng Barangay Captain, Aida P. Dysanco, nagpasa ng isang kapasiyahan ang isa sa kagawad ng barangay, Kgd. Valentener Jr. upang ang Barangay Villa Nava ay makasama sa Poblacion ng Gumaca at sinang-ayunan na lahat sa tulong ng dating Kgd. Edwin Pedragoza na naging Ingat-Yaman ng Barangay. Ito ay napagtibay ng Sangguniang Bayan noong Agosto 1994 at sa dahilang ang Brgy. Villa Nava ay pinagtayuan ng iba’t-ibang sangay ng pamahalaan tulad ng Gumaca West Elementary School, Gumaca Central School, Regional Trial Court, Rural Health Unit, Land Transportation Office, ABC Building, SK-bldg. at iba pa ay hindi nagdalawang isip ang Sangguniang Panlalawigan. Kaya’t noong Feb. 1995, ito ay pinagtibay.

Barangay Villa Nava, isang natatanging barangay na nagmula sa isang sangay lamang ay natutong magsarili at makilala bilang pang 58 sa 59 barangay ng Gumaca at ngayon ay pang siyam na barangay at isa sa bumubuo ng Municipal Central District.

Government Links

Contact Us

  • unitLocal Government of Gumaca
  • phone(042) 317-6335 | (042) 317-7591 (8:00 - 17:00)
  • maillgugumaca@ymail.com
  • map J.P. Rizal St., Brgy. Pipisik, Gumaca, Quezon (4307)

Follow Us