Bantad

Noong unang panahon ang Barangay Bantad ay malawak ang lugar na nasasakupan, sapagkat ang mga karatig barangay ay sityo lamang o purok ng Barangay Bantad. Noong unang panahon ang mga sitiong ito ay kakaunti pa ang mga naninirahang mga tao subalit dito sa Barangay Bantad ay may nakatayo ng paaralan simula unang baiting hanggang ika-6 na baiting. Kung kaya ang mga bata sa nasabing sityo dito ay nagsisipag aral sa paaralang nakatayo dito sa Barangay Bantad. Hanggang sa paglalakad ng mahabang panahon at padami ng padami ang naninirahan sa bawat sityo ng nasasakupan ng Bantad. Hangang sa ang mga sityong ito ay nagsisipagsarili na ng kani-kanilang inihiwalay na ang bawat sityo at ginawa ring isang barangay na binigyan na nila ng kanya kanyang pangalan. Ang mga tao naninirahan dito ay siyang naging populasyon na kung tawagin ay Tenyente Del Baryo o Kabesera de Barangay, subalit ang mga nananatiling dito nakatayo sa barangay Bantad. Sapagkat ang batad ang sentro at ina ng mga karatig barangay hanggang ngaun. Sapagkat ang ibig sabihin pala ng salitang Bantad ay isang Bantog, at sapagkat ang lugar na ito ay siyang bantog o sikat sa lahat noong unang panahon pa. kung kayat ang salitang Bantad ay siyang pinangalan sa barangay na ito magpahanggang ngaun. May kasabihan nga na kung ang isang puno ay matibay ang pakakatayo at ito ay maraming ugat ang sumusuporta. Dumaan man ang malakas na unos ay mananatili pa ring matibay ang pagkakatayo ng isang puno.

Government Links

Contact Us

  • unitLocal Government of Gumaca
  • phone(042) 317-6335 | (042) 317-7591 (8:00 - 17:00)
  • maillgugumaca@ymail.com
  • map J.P. Rizal St., Brgy. Pipisik, Gumaca, Quezon (4307)

Follow Us